Isang makabuluhan at makahulugang tagpo ang naganap sa Batangas City Convention Center kung saan muling umani ng pagkilala ang Rural Health Unit ng Agoncillo sa taunang Gawad Parangal ng Provincial Health Office.
Patunay ito na ang ating bayan ay patuloy na itinatanghal bilang isa sa mga nangunguna sa maayos, makabago, at makataong serbisyong pangkalusugan.
Sa pagtataya ng probinsya, matagumpay na naiuwi ng Agoncillo ang mga sumusunod na parangal:
🏆 VSR Award for FHSIS Excellence
🏆 Outstanding Contribution to Maternal Safety Award
🏆 Excellence in the Implementation of the Philippine Package of Essential Non-Communicable Disease Intervention (44.53%)
🏆 Synergy for High-Impact Mental Health Partnership Award
🏆 Best LGU in Partnership and Collaboration for Adolescent Health
🏆 Most Improved NIP Child Care Implementer
🏆 Nutrition Innovative Award
🏆 Unified Action for Integrated Health System Leadership Award
Ang mga natanggap na gantimpalang ito ay hindi lamang simbolo ng tagumpay, kundi malinaw na indikasyon ng sama-samang pagkilos ng RHU, mga kawani, katuwang na ahensya, at komunidad upang mapatatag ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat. Tinanggap ito nina Nurse Krissel Caringal, Nurse Ella Rafaela Mabilangan at Nurse Jerwin Garcia.
Samantala, isang natatanging karangalan din ang iginawad sa ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na tumanggap ng Leadership in Action Award.
Isang pagkilalang nagpapatibay sa kaniyang pamumunong naglalayong isulong ang maunlad, makatao, at inklusibong sektor ng kalusugan sa Agoncillo.
Sa bawat parangal na ito, naipapakita ang tunay na diwa ng Kahusayan para sa Bayan, serbisyong may malasakit, pagkilos na may direksyon, at pamumunong nakatuon sa kapakanan ng bawat Agoncillians.
Patuloy tayong magsisilbi, magbabago, at magtataguyod ng mas malusog at mas matatag na kinabukasan para sa ating bayan.
Mabuhay ang RHU Agoncillo!
Mabuhay ang Bayan ng Agoncillo!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments