Muling naisagawa ang ikatlong serye ng Handa Caravan sa Municipal Ground of Balayan, Batangas mula Nobyembre 17–21, 2025, na dinaluhan ng mga kinatawan o partisipante mula sa mga Bayan ng Nasugbu, Calatagan, Calaca City, Lian, Balayan, Tuy, Agoncillo, Laurel, Lemery, at Balayan.
Ang Handa Caravan ay isang inisyatibo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa ilalim ng direktiba ni Governor Vilma Santos-Recto, na naglalayong higit pang mapatibay ang ugnayan, kooperasyon, at koordinasyon sa pagitan ng lalawigan at mga lokal na pamahalaan, at palakasin ang kahandaan ng Batangas laban sa anumang uri ng kalamidad.
Aktibong nakiisa at nagpakita ng suporta sa pagsasanay sina Balayan Mayor Lisa Ermita Abad, Agoncillo Mayor Cindy Reyes, at PDRRM Officer in Charge, Ms. Fe Fernandez.
0 Comments