Malugod na Pagbati sa Ating LGU Scholars! 🎉






Isang mainit at taos-pusong pagbati mula sa pamunuan ng ating Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes at ng ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Remjelljan Humarang, sa ating mga natatanging LGU scholars na matagumpay na pumasa sa Licensed Customs Broker Board Examination!
Ang inyong pagsusumikap, tiyaga, at determinasyon ay nagbigay ng malaking karangalan hindi lamang sa inyong pamilya, kundi pati sa buong ating munisipalidad.
Kayo ay nagsisilbing huwaran at inspirasyon sa kapwa ninyong iskolar at kabataan—patunay na basta may sipag, tiyaga, at pangarap, walang imposibleng makamit. Nawa’y magpatuloy kayong maging ehemplo ng integridad, kahusayan, at serbisyo para sa bayan.
Ipinagmamalaki namin kayo! Mabuhay ang ating mga bagong Licensed Customs Brokers!

Post a Comment

0 Comments