Sa pagdiriwang ng Children’s Month at sa diwa ng Pasko, paalala lamang po na patuloy ang ating Pamaskong Handog para sa mga bata na apektado ng STS Kristine na kasalukuyang nasa evacuation centers.
Mula sa tanggapan ng MSWD sa pamumuno ni Ma'am Josalyn Cortez, patuloy ang panawagan natin sa mga nagnanais magbigay at magdagdag ng liwanag sa Pasko ng ating mga kababayan.
Ang mga nasabing Donation boxes ay nakalagay sa Information ng ating Municipal Hall at SB Building.
Ang pamimigay ng donasyon ay hanggang Disyembre 5, 2025 lamang. Inaanyayahan po ang lahat na magbahagi ng mga regalo o anumang bagay na maaaring magamit ng ating mga bata sa evacuation center — tulad ng laruan, school supplies, o personal care items. ❤️
Maraming salamat po sa inyong kabutihan, malasakit, at pakikiisa! π
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments