KATAPATAN, KAHUSAYAN, KABATAAN: PAGPUPULONG KASAMA ANG MGA SANGGUNIANG KABATAAN NG BAWAT BARANGAY SA ATING BAYAN 🇵🇭✨






Sa layuning mapalakas ang kakayahan at kaalaman ng mga kabataang lider ng ating komunidad, isinagawa kahapon ang isang pagpupulong kasama ang mga Sangguniang Kabataan ng bawat barangay sa ating bayan, na ginanap sa G. Brotonel Events Center.
Ang naturang pagtitipon ay nagbigay daan upang mapag-usapan ang mga mahahalagang usapin hinggil sa tamang pamamahala, pagsunod sa mga alituntunin, at pagpapaunlad ng mga programa para sa kabataan. 
Tinalakay sa pagpupulong ang mga sumusunod:
 Submission of COA-related Documents – Kung saan tinalakay ng kinatawan mula sa Commission on Audit ang mga alituntunin ukol sa tamang pagsasumite ng mga dokumento upang matiyak ang transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng SK.
SK Officials’ Eligibility – ipinaliwanag ng ating Municipal Local Government Operations Officer , Sir Abet Sandoval ang mga patnubay at proseso para sa pagiging kwalipikado ng mga SK officials, bilang paghahanda sa kanilang mas epektibong paglilingkod.
Youth Organization, Leadership, and Volunteerism Seminar – ibinahagi ni Ma'am Angelica Anne Leonor (HRMO) ang mga oportunidad para sa pagsasanay at pagpapalakas ng kakayahan ng mga kabataang lider sa larangan ng pamumuno at boluntaryong paglilingkod.
SK Budget Preparation and Utilization – tinalakay ng ating mahusay na Municipal Accountant, Ma'am Anna Sarmiento ang mga tamang pamamaraan ng pagbuo at wastong paggamit ng pondo ng SK upang matiyak na ang bawat proyekto ay kapaki-pakinabang at makabuluhan para sa kabataan.
Nasa pagpupulong din ang kinatawan ng BFP Agoncillo.  Ang pagpupulong na ito ay isang patunay ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at ng mga kabataan tungo sa katapatan sa paglilingkod, kahusayan sa pamumuno, at kabataang may malasakit sa kapwa at sa bayan.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments