PARA SA YOUTH: LEADERSHIP TRAINING AND VOLUNTEERISM SEMINAR PARA SA MGA KABATAANG AGONCILLIANS 🇵🇭✨





Ngayong araw ay matagumpay na isinasagawa  ang Leadership Training and Volunteerism Seminar para sa mga kabataang Agoncillians, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month, sa G. Brotonel Events Center.
Layunin ng nasabing programa na palawakin ang kaalaman, kasanayan, at kamalayan ng kabataan sa kahalagahan ng epektibong pamumuno at boluntaryong paglilingkod sa komunidad. Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, hinuhubog ang mga kabataan upang maging mga responsableng lider at mamamayan na may malasakit sa kapwa at sa bayan.
Dumalo sa programa ang ating masipag na Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, na nagbahagi ng mga makabuluhang mensahe at inspirasyon hinggil sa papel ng kabataan bilang katuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kaunlaran at mabuting pamamahala.
Kaugnay nito, ipinaabot din ng pamahalaang bayan ang patuloy na suporta sa mga inisyatibong nakatuon sa pagpapaunlad ng kabataan. 
Bukas si Mayor Cindy Reyes at ang MSWDO sa pamumuno ni Mam Josalyn Cortez sa mga programang nagbibigay-daan sa kanila na matutong mamuno, makibahagi, at maglingkod ng may katapatan, kahusayan, at malasakit.
Ang aktibidad na ito ay nagpapatunay na sa bayan ng Agoncillo, ang kabataan ay tunay na sandigan ng kinabukasan,mga kabataang handang maglingkod, manguna, at tumulong sa kapwa sa ngalan ng pagkakaisa at pag-asa.
Mabuhay ang Kabataang Agoncillians! 🇵🇭✨
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments