PARA SA MGA BATA: CHILDREN’S CONGRESS 2025, ISANG NATATANGING PAGDIRIWANG SA BAYAN NG AGONCILLO🇵🇭✨





Ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang 2025 Children’s Congress bilang bahagi ng paggunita sa National Children’s Month, isang mahalagang okasyon na naglalayong palakasin ang tinig, karapatan, at kapakanan ng bawat batang Agoncillian.

Pinangunahan ang makabuluhang pagtitipon ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ma’am Josalyn Cortez, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang PNP Agoncillo, na patuloy na nagsisilbing kaagapay sa pagsusulong ng isang ligtas at protektadong komunidad para sa kabataan.

Highlight ng programa ang paglahad ng State of the Children’s Address ng ating masipag na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kung saan tinalakay niya ang mga programa, inisyatiba, at adbokasiyang patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan at pag-unlad ng mga bata. 

Kaisa rin sa nasabing okasyon ang President ng Child Representatives ng Agoncillo na si Dan Gabriel Reyes, na kumatawan sa boses at pangarap ng kabataang Agoncillian.

Tunay na naging makulay, masigla, at makahulugan ang pagdiriwang na ginanap sa G. Brotonel Events Center, na pinuno ng mga batang puno ng talino, sigla, at inspirasyon, patunay na ang kabataan ng Agoncillo ay handang maging kinabukasan at pag-asa ng ating bayan.

Mabuhay ang Kabataang Agoncillian!

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko 

Post a Comment

0 Comments