Isang Marubdob at Pormal na Pagbati
Para kay SenCongSec Ralph G. Recto,
Bagong Executive Secretary ng Republika ng Pilipinas 🇵🇭✨
Ang Lokal na Pamahalaan ng Magandang Agoncillo, ay buong galak, paggalang, at taus-pusong nagpupugay sa pagkakatalaga ninyo, SenCongSec Ralph G. Recto, bilang bagong Executive Secretary ng ating minamahal na Republika ng Pilipinas.
Ang aming pinakamataas na pagpupugay ay inihahandog sa inyo, isang lingkod-bayan na kilala sa matatag na prinsipyo, matalinong pamumuno, at hindi matitinag na paninindigan para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Sa pangunguna ng aming minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan, ang Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza,
at ang buong Kawani ng Lokal na Pamahalaang Agoncillo, kami po ay nagbubunyi at nakikiisa sa hangarin ninyong higit pang mapaunlad ang antas ng pamamahala at paghatid-serbisyo sa buong bansa.
Nawa’y maging mas maunlad, mas mahusay, at mas matatag ang pamahalaan sa ilalim ng inyong pamumuno sa Malacañang, at nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Maykapal ng talino, tapang, at kababaang-loob habang ginagampanan ninyo ang isa sa pinakamahalagang tungkulin sa ating pamahalaan.
Mabuhay po kayo, SenCongSec Ralph Recto!
Mabuhay ang Republika ng Pilipinas!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments