Isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag, mahusay, at transparent na pamamahala ang isinagawa ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa kanilang pagdalo sa Public Financial Management (PFM) Competency Program for LGUs – Phase II sa Bauan, Batangas.
Pinangunahan ni Mayor Cinderella Valenton-Reyes ang delegasyon, kasama ang mga kinatawan ng ating Finance Committee, upang higit pang paigtingin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa larangan ng pampublikong pananalapi.
Layunin ng programang ito na patatagin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan sa tamang pagba-budget, mas maayos na accounting, at mas sistematikong management na makatutulong sa pagbuo ng mga proyekto at programang tunay na makapagpapabuti sa buhay ng bawat Agoncillians.
Ang aktibong partisipasyon ng ating LGU sa ganitong pagsasanay ay patunay ng tapat at bukas na pamumuno, na inuuna ang kahusayan at integridad sa paggamit ng pondo ng bayan.
Sa patuloy na pag-unlad ng kaalaman at kakayahan ng ating mga lingkod-bayan, asahan ang mas matatag na serbisyong publiko at mas epektibong paghahatid ng mga programang pangkaunlaran para sa ating minamahal na bayan ng Agoncillo.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments