Sa patuloy na pagnanais na mapalakas ang kahandaan at kaligtasan ng ating mga komunidad, nakilahok ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa ginanap na Handa Caravan sa Bayan ng Balayan.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas pinatibay na kampanya ng pamahalaan para sa disaster preparedness, risk reduction, at mas epektibong pagtugon sa anumang uri ng sakuna.
Kasama rin sa programa ang aktibong partisipasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na pinamumunuan ni Sir Junfrance De Villa, kasama ang mga masisipag na miyembro ng Community Disaster Response Team.
Sa kanilang pagtutulungan, muling naipakita ang matibay na dedikasyon ng ating mga lingkod-bayan sa pagsusulong ng kaalaman, kahandaan, at koordinadong aksyon para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.
Ang Handa Caravan ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang maipamahagi ang tamang impormasyon, mga estratehiya sa pag-iwas at pagresponde sa sakuna, at upang mapalawak pa ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagiging handa sa anumang oras.
Tara na! Sama-sama tayong kumilos para sa isang mas ligtas, mas handa, at higit na matatag na Agoncillo at Batangas!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments