PARA SA PAMILYANG AGONCILLIANS: DSWD–4P’s MUNICIPAL OPERATIONS OFFICE–AGONCILLO, KINILALA SA BUONG LALAWIGAN NG BATANGAS BILANG BEST 4P's PROGRAM IMPLEMENTER🇵🇭✨






Dahil sa  kanilang natatanging husay, dedikasyon, at walang sawang paglilingkod sa komunidad, ginawaran ng parangal ang ating bayan sa ginanap na pagkilala sa R. Mandanas Dream Zone, Batangas City, bilang patunay na ang ating mga programa at serbisyo ay tunay na nakaaabot at nakapagpapabago ng buhay ng ating mga benepisyaryo.
Pinangunahan ang karangalang ito ng masisipag at tapat na kawani ng DSWD–4P’s Municipal Operations Office – Agoncillo na sina:
Project Development Officer II
• Lorraine Kate M. Umali
• Jhun M. Nohay
• Areane A. Nohay
• Ana Rose A. Reyes
• Abegail I. Malabad
Social Welfare Assistant
• Piobie Kate M. Gumapac
Lubos na ikinararangal ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang karangalang ito. Patunay lamang ito na ang ating bayan ay patuloy na umaangat dahil sa sama-samang pagsisikap, kahusayan, at katapatan ng bawat lingkod-bayan na walang kapagurang naglilingkod para sa mas maunlad at mas matatag na Agoncillo!
Mabuhay ang Agoncillo! 
Patuloy tayong magsilbi, magtagumpay, at magbigay-inspirasyon. ❤️
Muli, Congratulations!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments