Alinsunod sa Executive Order No. 37, Series of 2025 at upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng Agoncillian, idineklara ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bayan ng Agoncillo sa mga araw ng Lunes, Nobyembre 10, 2025 hanggang Martes, Nobyembre 11, 2025.
Ang hakbanging ito ay bahagi ng ating proaktibong pag-iingat upang maiwasan ang anumang insidente o panganib na dulot ng sama ng panahon. Pinapayuhan ang lahat na manatiling nasa ligtas na lugar, iwasan ang paglalakbay kung hindi kinakailangan, at patuloy na makinig sa mga opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, PDRRMO, OCD at DOST -PAG ASA para sa mga pinakabagong ulat hinggil sa lagay ng panahon.
Sa ganitong panahon ng pagsubok, nawa’y pairalin natin ang pagmamalasakit, disiplina, at pagtutulungan sa ating komunidad. Ang kaligtasan ng bawat Agoncillian ay nananatiling pangunahing prayoridad ng ating lokal na pamahalaan.
PATULOY NA MAG-INGAT ANG LAHAT❤️
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments