ABISO PUBLIKO| HINDI PAGBUBUKAS NG MGA PAMILIHAN SA ATING BAYAN BILANG PAGHAHANDA SA HAGUPIT NG BAGYONG UWAN🇵🇭✨





Alinsunod sa Executive Order No. 37, Series of 2025, ay ipinababatid sa ating mga kababayan na bukas, Ika-9 ng Nobyembre 2025, mula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng hatinggabi, ay ipagbabawal ang pagbubukas ng lahat ng establisimyento sa ating bayan (kasama ang mga nasa barangay) kabilang na ang palengke, mga komersyal na negosyo, at iba pang pamilihan, maliban lamang sa mga botika na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng ating paghahanda at pag-iingat sa inaasahang pagdating at pananalasa ng Bagyong Uwan, na posibleng magdulot ng masamang panahon, pagbaha, at iba pang panganib sa ating komunidad.
Hinihiling po ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ang buong pakikiisa at pag-unawa ng bawat mamamayan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng lahat. 
Ipinapaalala rin na manatili sa inyong mga tahanan, maging mapagmatyag sa mga opisyal na anunsyo, at agad na makipag-ugnayan sa inyong mga barangay kung kinakailangan ng tulong o agarang abiso.
Sa panahon ng sakuna, ang disiplina at pagkakaisa ng bawat isa ang susi sa kaligtasan ng buong bayan.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na pagtitiwala sa mga hakbang ng inyong lokal na pamahalaan.
Basahin ang kopya ng nasabing Executive Order sa ating comment section.
Mag-ingat po tayong lahat.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments