BAWAT BAHAY MAY HANAPBUHAY: ENTREP ESKWELA, ISINAGAWA NG BANGKO KABAYAN INC. KATUWANG ANG PESO AGONCILLO SA IKATLONG PAGKAKATAON 🇵🇭✨






Sa patuloy na adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo na mapaunlad ang kabuhayan ng bawat pamilyang Agoncillian, matagumpay na isinagawa ang ikatlong Entrep Eskwela sa pangunguna ni Ma’am Mercy Punzalan, PESO Manager ng Bayan ng Agoncillo, katuwang ang Bangko Kabayan Inc. 
Ang programang ito ay may temang “Pagpapaunlad ng Trabaho, Negosyo at Kabuhayan.” Layunin ng Entrep Eskwela na bigyan ng dagdag-kaalaman at kasanayan ang mga mamamayan sa larangan ng pagnenegosyo, upang mas mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan at magkaroon ng mas matatag na pinagkakakitaan. 
Nilahukan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga benepisyaryo ng 4Ps at ilang maliliit na negosyante sa ating bayan.
Lubos ang pasasalamat ng ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, sa Bangko Kabayan Inc. at sa PESO Agoncillo sa kanilang walang sawang suporta at dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang tumutulong sa pag-angat ng pamumuhay ng bawat mamamayan. 
Ayon sa kanya, ang ganitong mga inisyatibo ay isang napakagandang oportunidad para sa mga pamilyang Agoncillian upang mas mahasa sa pagpapatakbo ng negosyo at mapalakas ang lokal na ekonomiya ng ating bayan.
Tunay nga na sa tulong ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor, posible ang pagkakaroon ng mas produktibo at maunlad na komunidad.
Gaya ng pahayag ni Ma’am Mercy Punzalan, “Dapat bawat bahay may hanapbuhay.”�Isang simpleng pangungusap na nagsisilbing paalala at inspirasyon sa bawat Agoncillian na patuloy na magsumikap, magpursigi, at maniwala sa kakayahan ng bawat isa tungo sa mas maunlad na kinabukasan.
Maraming Salamat Bangko Kabayan Inc. 💚
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments