Sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Sir Junfrance De Villa, at sa inisyatibo ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, matagumpay na isinagawa ang force evacuation sa mga piling lugar sa ating bayan bilang bahagi ng mga hakbang ng Pamahalaang Lokal upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat Agoncillians.
Ang gawaing ito ay isinagawa bilang tugon sa banta ng kalamidad, alinsunod sa direktiba ng ating Punong Bayan, na patuloy na nagbabantay at gumagabay upang maiwasan ang anumang panganib sa buhay at ari-arian ng ating mga kababayan katuwang ang iba't ibang departamento gaya ng MSWDO, MDRRMO, PIO, MEO at GSO.
Katuwang sa gawaing ito ang mga ahensiya ng gobyerno na walang sawang nagbibigay ng serbisyo at tulong, kabilang ang PNP Agoncillo, BFP Agoncillo, Philippine Coast Guard , at ang ating mga Pamahalaang Barangay. Kasama rin ng ating mga rescuer ang ating minamahal na Konsehala Atty. Tagay Sarah Mendoza na personal na kinakamusta ang ating mga evacuees.Sa kanilang koordinadong pagkilos at mabilis na pagtugon, matagumpay na nailikas ang mga residenteng nasa mga lugar na mataas ang panganib at nalagay sa ligtas na evacuation centers katuwang ang DepEd Agoncillo Sub-Office.
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Lokal sa patuloy na kooperasyon ng ating mga kababayan na buong pusong nakikiisa sa mga isinasagawang hakbang ng ating bayan para sa kanilang kaligtasan. Sa gitna ng anumang sakuna o panganib, nananatiling pangunahing layunin ng ating Pamahalaang Lokal ang protektahan ang buhay ng bawat mamamayan ng Agoncillo.
Tunay na buhay ang diwa ng bayanihan at malasakit sa bawat kilos at hakbang ng ating mga lingkod-bayan. Sa gabay ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, mananatiling matatag ang mensaheng "Kaligtasan mo, Sagot Ko".
Sa mga nagnanais na lumikas at walang masakyan, makipag-ugnayan lamang po sa facebook page na ito upang mapuntahan kayo ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.
Patuloy pong mag-ingat, Agoncillo!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments