TINGNAN | Paggalang. Pagkakaisa. Pagmamahal sa Bayan. 🇵🇭✨



Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ng tanggapan ng MDRRMO ang seremonya ng pagbababa ng Pambansang Watawat bilang simbolo ng ating pagkakaisa at patuloy na paggalang sa mga sakripisyo ng ating mga bayani.

Ang bawat pagbaba ng watawat ay paalala sa ating lahat na ang paglilingkod sa bayan ay hindi lamang tungkulin, kundi isang karangalan. Sa araw-araw na serbisyo, patuloy nating isinusulong ang tapat, disiplinado, at makabayang pamahalaan para sa lahat ng Agoncillians.

Mabuhay ang Bayan ng Agoncillo! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments