TINGNAN | Isang taos-pusong pagbati sa Sangguniang Bayan ng Agoncillo, Batangas – Local Legislative Awards Provincial Winner 🇵🇭✨




Ang Department of the Interior and Local Government Batangas ay buong pusong nagpapaabot ng pinakamataas na pagpupugay at pagkilala sa Sangguniang Bayan ng Agoncillo sa kanilang natatanging tagumpay at hindi matatawarang ambag sa pagpapalakas ng mabuting pamamahala sa lalawigan ng Batangas.

Sa pamamagitan ng mahusay na paggawa ng mga batas at ordinansang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan, napatunayan ng Sangguniang Bayan ng Agoncillo na ang tapat, masinop, at makataong paglilingkod ay sandigan ng isang maunlad at responsableng pamahalaang lokal.

Pinangunahan ng ating butihin at masipag na Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang ating Sangguniang Bayan Secretariat, Ma'am Sheryn Velo, at ang lahat ng masisipag na kawani ng tanggapan, ang pagpapamalas  ng tunay na diwa ng pagkakaisa, dedikasyon, at malasakit sa bayan.

Ang karangalang ito ay hindi lamang tagumpay ng inyong tanggapan, kundi tagumpay ng buong bayan ng Agoncillo!

Mabuhay ang Sangguniang Bayan ng Agoncillo!

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

#WeAreYourDILG

#4ABetterGovernance

#BATANGASMAGILAS

Post a Comment

0 Comments