TINGNAN | Bayan ng Agoncillo, tumanggap ng parangal sa Provincial Sandugo Awards 2025 🇵🇭✨ Bilang pagkilala sa mga bayaning patuloy na nagbibigay-buhay sa pamamagitan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo, ginanap ngayong Oktubre 17, 2025 sa DREAM Zone, Capitol Site, Batangas City ang Provincial Sandugo Awards 2025 na may temang “Recognition and Dedication to a Lifesaving Mission.”






TINGNAN | Bayan ng Agoncillo, tumanggap ng parangal sa Provincial Sandugo Awards 2025 🇵🇭✨
Bilang pagkilala sa mga bayaning patuloy na nagbibigay-buhay sa pamamagitan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo, ginanap ngayong Oktubre 17, 2025 sa DREAM Zone, Capitol Site, Batangas City ang Provincial Sandugo Awards 2025 na may temang “Recognition and Dedication to a Lifesaving Mission.”
Kaugnay nito, ang Bayan ng Agoncillo ay ginawaran ng parangal bilang pagkilala sa aktibong pakikilahok at suporta sa programang pambansa para sa boluntaryong donasyon ng dugo. Ito ay tinanggap ng mga kawani ng ating Municipal Health Office.
Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng Provincial Health Office katuwang ang Batangas Provincial Blood Council, bilang patunay ng patuloy na pagtutulungan ng mga Batangueño tungo sa isang Mas Matatag na Batangas.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments