Bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Lokal na Pamahalaan na mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng bawat mamamayan sa oras ng sakuna, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) na tumutok sa mga maaaring panganib at epekto ng lindol.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng ating MDRRMO, sa pamumuno ni Sir Junfrance De Villa, na may layuning ipaliwanag sa mga kinatawan ng bawat barangay ang mga dapat gawin bago, habang, at matapos ang pagyanig. Layunin din nitong tiyakin na ang bawat lider ng barangay ay may sapat na kaalaman upang makapagsagawa ng mabilis, maayos, at epektibong tugon sa oras ng sakuna.
Ang pagtitipon ay ginanap sa G. Alcantara Session Hall, sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at koordinasyon ng bawat sektor sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mamamayan.
Dumalo rin sa pagpupulong ang ating MLGOO na si Sir Abet Sandoval, mga Punong Barangay, Barangay Secretaries, kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection,Philippine National Police, Philippine Coast Guard, mga Police Multiplier, at ang ating Public Schools District Supervisor na si Ma’am Melissa Ariola.
Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay at talakayan, naipapakita ng ating bayan ang tunay na diwa ng kahandaan, pagkakaisa, at malasakit para sa kapakanan ng bawat isa. Ang seguridad ng bawat mamamayan ay panlahat nating responsibilidad, kaya’t patuloy nating palakasin ang ating kaalaman at kahandaan sa harap ng anumang sakuna.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments