Ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ay aktibong nakibahagi sa isinagawang Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw, Oktubre 22, 2025, ganap na ika-9:00 ng umaga.
Pinangunahan ng MDRRMO ang nasabing aktibidad, katuwang ang PNP, BFP at DILG. Layunin ng pagsasanay na mapalalim ang kamalayan, mapatatag ang koordinasyon, at mapaigting ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan, mga ahensya, at mamamayan sa maagap at epektibong pagtugon sa mga sakunang dulot ng lindol.
Palaging maging Handa, Dapat Agoncillian ay Ligtas at #MATATAG❤️
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments