Ipinababatid at ipinaaalala sa lahat ng nagsumite o nagpahayag ng kanilang interes na maisyuhan ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) endorsement bilang bahagi ng kanilang aplikasyon sa Philippine National Police (PNP) na magtungo sa J. Mendoza Building (main building) ng Agoncillo Municipal Hall sa darating na Huwebes, Oktubre 23, 2025, ganap na ika-1:00 ng hapon.
Ang inyong personal na pagdalo ay mahalaga sapagkat ito ay bahagi ng screening process ng Ad Hoc Body kaugnay ng inyong kahilingan para sa MPOC endorsement.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at patuloy na hangaring makapaglingkod sa publiko.
0 Comments