TINGNAN | AGONCILLO TUNGO SA ISANG HANDA, LIGTAS, AT MATATAG NA BAYAN: Contingency Planning Workshop for Taal Volcano Eruption 🇵🇭✨





Sa layuning patuloy na mapalakas ang kahandaan at kakayahan ng mga bayan sa paligid ng Bulkang Taal, ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ay aktibong nakibahagi sa Contingency Planning Workshop for Taal Volcano Eruption na ginanap sa Club Balai Isabel, Talisay, Batangas na sinimulan kahapon, ika-21 ng Oktubre at matatapos sa ika-24 ng Oktubre 2025.
Pinangunahan ang delegasyon ng Agoncillo ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama sina Chief of Police Kenneth Lumbre, MDRRMO Head Junfrance De Villa, at mga dedikadong volunteers na walang sawang naglilingkod para sa kaligtasan ng bawat Agoncillians.
Ang naturang pagsasanay ay naglalayong mapagtibay ang koordinasyon, mapahusay ang plano sa pagtugon, at matiyak ang mabilis na pagkilos ng mga lokal na pamahalaan sakaling muling magpakita ng aktibidad ang Bulkang Taal. 
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments