TINGNAN | KABATAANG AGONCILLIAN, MULI NA NAMANG NAGPAKILALA SA LARANGAN NG TALINO AT KAALAMAN.




TINGNAN | KABATAANG AGONCILLIAN, MULI NA NAMANG NAGPAKILALA SA LARANGAN NG TALINO AT KAALAMAN.

Isinagawa kahapon ang 14th Koop Quiz Blast na inorganisa ng Office of the Municipal Agriculturist sa pamumuno ni Ma’am Olive Mirasol, katuwang ang ating SB Committee Chair on Cooperatives, Hon. Jessie James Balba at PCLEDO Batangas sa ating G. Alcantara Session Hall.

Layunin ng nasabing patimpalak na higit pang mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa kahalagahan ng mga kooperatiba bilang mahalagang haligi ng ating lipunan.

Sa kabila ng masusing labanan ng talino, muling nagningning ang husay at galing ng kabataang Agoncillian matapos masungkit ang kampeonato ng kinatawan mula sa Coral na Munti National High School na si Jieriemie Deomampo. Sinundan ito ng kinatawan ng Agoncillo College Inc. at kinatawan ng Banyaga National High School.

Ang kanyang pagkapanalo ay patunay ng masigasig na pagsisikap ng ating mga mag-aaral at suporta ng kanilang mga guro at paaralan sa pagbibigay-diin sa mga programang pangkaalaman.

"Ang bawat kabataan ay dapat malaman ang kahalagahan ng kooperatiba sa ating lipunan. Ang patimpalak na ito ay isang hakbang upang simulan natin ang pagpapalaganap ng kooperatiba at mga layunin nito sa ating bayan"- Ma'am Leya De Castro, Municipal Cooperative Development Officer.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments