BAGONG ARAW, BAGONG PAG-ASA 🇵🇭✨




BAGONG ARAW, BAGONG PAG-ASA 🇵🇭✨
Matapos ang ilang araw ng pagsubok, maayos nating ibinabalita na ang ating mga kababayan na pansamantalang nanirahan sa iba’t ibang evacuation center ay nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan.
Sa likod ng matagumpay na decamp operations ay ang sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng ating mga lingkod-bayan mula sa PNP, BFP, PCG, Army, CDRT, mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, at mga opisyales ng barangay na buong pusong naglaan ng kanilang oras at serbisyo upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng ating mga evacuees.
Hindi rin matatawaran ang ating pasasalamat sa mga paaralan na naging bukas-palad at nagsilbing pansamantalang tahanan ng ating mga kababayan. Ang inyong pagkupkop ay malinaw na patunay ng malasakit, bayanihan, at pagmamahal sa kapwa sa panahon ng pangangailangan.
Muli, isang paalala sa lahat na patuloy na mag-ingat, maging alerto, at magtulungan. Ang pagkakaisa at malasakit ang ating pinakamabisang sandata upang malampasan ang anumang hamon. 
God Bless Agoncillo! 
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments