KAHANDAAN PARA SA BAYAN | Patuloy na Pagsasanay para sa Mas Mabilis at Mas Maayos na Pagresponde sa mga Sakuna🇵🇭✨




KAHANDAAN PARA SA BAYAN | Patuloy na Pagsasanay para sa Mas Mabilis at Mas Maayos na Pagresponde sa mga Sakuna🇵🇭✨

Ngayong araw, dumalo ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes  sa Incident Command System (ICS) Executive Course na ginanap sa Pontefino, bilang bahagi ng kanyang patuloy na adbokasiya sa pagpapaigting ng kahandaan at kapasidad ng pamahalaang lokal sa pagharap sa anumang uri ng kalamidad o emergency.

Kasama rin sa nasabing aktibidad si Atty. Tagay Sarah at Konsehal Jappoy Hilario, na aktibong nakikibahagi sa pagpapalalim ng kaalaman at koordinasyon sa pagitan ng mga lider at ahensyang responsable sa disaster preparedness at emergency response.

Ang Incident Command System ay isang mahalagang mekanismo upang masiguro ang maayos, organisado, at mabilis na pagtugon sa oras ng sakuna. Sa pamamagitan ng kursong ito, natututuhan ng mga opisyal at lider ng pamahalaan ang tamang estruktura ng pamumuno, pagbabahagi ng responsibilidad, at epektibong komunikasyon sa gitna ng mga sakuna.

Ang ganitong klase ng pagsasanay ay patunay lamang ng lubos na dedikasyon ng ating Ina ng Bayan sa pagpapanatili ng kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan. Tunay ngang ang kahandaan ay hindi lamang responsibilidad ng iilan, kundi isang kolektibong tungkulin ng bawat isa sa pamahalaan at komunidad.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments