TINGNAN | FREE CORRECTION OF CLERICAL ERROR, ISASAGAWA NG TANGGAPAN NG LOCAL CIVIL REGISTRAR 🇵ðŸ‡✨
Bilang pakikiisa sa 36th National Statistics Month Celebration ngayong buwan ng Oktubre, ang Tanggapan ng Local Civil Registrar ng Agoncillo ay maghahandog ng libreng pag-aayos ng mga dokumento (FREE CORRECTION OF CLERICAL ERROR) mula Oktubre 14 hanggang Nobyembre 14, 2025.
Ang Programang ito ay hindi naaangkop sa mga aplikante sa bansang Taiwan kung saan mahigpit na humihingi ng Official Receipt mula Municipal Treasurer.
Para po sa mga katanungan at paglilinaw maaari pong mag tungo dito sa aming tanggapan.
Muli ito po ay para lamang sa mga may kamalian sa inyong dokumneto, hindi po kasali ang delayed registration at iba pang transaksyon sa aming tanggapan.
Maraming Salamat po!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments