KABATAANG AGONCILLIAN, TUNAY NA PAG-ASA NG BAYAN πŸ‡΅πŸ‡­✨




KABATAANG AGONCILLIAN, TUNAY NA PAG-ASA NG BAYAN πŸ‡΅πŸ‡­✨

Isinagawa ngayong araw ang “Pagsasanay sa Pamumuno para sa mga Kinatawan ng Kabataan at mga Bata” sa G. Brotonel Events Center, sa pangunguna ng Tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) sa pamumuno ni Gng. Josalyn Cortez.

Dumalo sa programa ang ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, at iba pang opisyal gaya ng Child Representative Dan Gabriel Reyes at mga kinatawan mula sa Sangguniang Kabataan Municipal Federation.

Ang pangunahing tagapagsalita sa nasabing pagsasanay ay si G. Mark Ryan D. Talajuron, Presidential Staff Officer I mula sa National Youth Commission - CALABARZON.

Isang makabuluhang araw para sa mga kabataang Agoncillian na patuloy na pinaghuhusay at pinalalakas bilang mga lider ng kinabukasan. Sama-sama tayong tumutugon sa hamon ng makabagong panahon sa pamamagitan ng matatag at makabayang kabataan!

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

#KabataangAgoncillian

Post a Comment

0 Comments