ISANG HUWARANG LIDER AT TAGAPAGLINGKOD: Mayor Cinderella Valenton-Reyes, Aktibong Katuwang ng Girl Scouts of the Philippines - Batangas Council 🇵ðŸ‡✨
Ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella "Cindy" Valenton-Reyes, ay patuloy na nagpapamalas ng kanyang di-matatawarang dedikasyon sa paglilingkod sa kabataan at komunidad sa pamamagitan ng kanyang aktibong pakikilahok bilang Council President ng Girl Scouts of the Philippines – Batangas Council.
Bilang isang ina, isang lingkod-bayan, at isang tunay na Girl Scout sa puso't diwa, si Mayor Cindy ay hindi lamang tagasuporta kundi tunay na katuwang sa pagpapatupad ng mga makabuluhang programa at proyekto para sa mga batang kababaihan sa ating lalawigan.
Tunay na maaasahan si Mayor Cindy sa lahat ng pagkakataon, sapagkat isinasabuhay niya ang mga aral at prinsipyo ng Girl Scouts of the Philippines: "To serve God and my country, to help people at all times, and to live by the Girl Scout Law."
Dagdag pa niya, "Once a girl scout, always a Girl Scout".
Saludo kami sa isang lider na may puso, may paninindigan, at may tunay na malasakit sa kabataan at komunidad!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
#TatakCVR
0 Comments