LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO, AKTIBONG NAKIKIISA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL CLEAN-UP MONTH TUWING SETYEMBRE 🇵ðŸ‡✨
Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Agoncillo ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng National Clean-Up Month ngayong buwan ng Setyembre, alinsunod sa pambansang adbokasiya na nagsusulong ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa lahat.
Bilang mga mamamayan ng Agoncillo, tungkulin nating pangalagaan at panatilihing malinis ang ating mga tahanan, bakuran, lansangan, buong pamayanan at lalo't higit sa ating tinatanging Lawa ng Taal. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at aktibong pakikiisa sa mga gawaing pangkalinisan, naipapakita natin ang ating malasakit sa kalikasan at sa kinabukasan ng susunod na henerasyong Agoncillian.
Ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran ay hindi lamang nagsisimula sa malawakang clean-up drive, kundi sa araw-araw na disiplina at malasakit ng bawat isa. Hinihikayat po ang lahat ng residente, barangay, paaralan, at iba pang sektor ng lipunan na makiisa at makibahagi sa mga isasagawang aktibidad para sa kalinisan ng ating bayan.
Nawa’y magsilbi itong paalala sa ating lahat na ang kalinisan ay responsibilidad ng bawat isa. Sama-samaa tayo sa simpleng pagtapon ng basura sa tamang lugar, pagsegregate ng mga recyclable, at aktibong pakikilahok sa mga programang pangkapaligiran ng ating lokal na pamahalaan.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments