KALUSUGAN NG KABABAYAN: DENTAL AT EYE CARE MISSION SA CORAL NA MUNTI HATID NI KONSEHAL KIDLAT CARINGAL AT NG MGA KINATAWAN NG CALL TO SERVE





 KALUSUGAN NG KABABAYAN: DENTAL AT EYE CARE MISSION SA CORAL NA MUNTI HATID NI KONSEHAL KIDLAT CARINGAL AT NG MGA KINATAWAN NG CALL TO SERVE

🇵🇭✨
Bilang patuloy na pagtupad sa adhikain na mapangalagaan at mapabuti ang kalusugan ng bawat Agoncillian, muling isinagawa ni Konsehal Kidlat Caringal ang isang Dental at Eye Care Mission ngayong araw sa Barangay Coral na Munti, katuwang ang mga kinatawan ng Call to Serve.
Sa pamamagitan ng programang ito, nabigyan ng libreng serbisyo ang ating mga kababayan para sa kanilang pangangalaga sa ngipin at mata, dalawang mahalagang aspeto ng kalusugan na madalas napapabayaan dahil sa kakulangan sa oras o kakayahang pinansyal.
Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa lahat ng bumubuo ng Call to Serve at kay Konsehal Kidlat Caringal sa kanilang dedikasyon at malasakit sa kapakanan ng ating mga kababayan. Ang kanilang pagsusumikap ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit, ang kalusugan at kapakanan ng bawat isa ay kayang isulong at mapanatili.
Maraming Salamat po!

Post a Comment

0 Comments