PAGDAMAY SA BAWAT MAMAMAYAN: TANGGAPAN NG PAMBAYANG AGRIKULTOR, NAGSAGAWA NG PAGSUSURI SA MGA TANIMAN NG MAIS AT KAMOTE SA ATING BAYAN


Layunin ng gawaing ito na masiguro ang maayos na kalagayan at kalusugan ng ating mga pananim, at higit sa lahat, mahikayat ang ating mga magsasaka na ipatupad ang wastong pamamaraan ng pagtatanim at pangangalaga. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman at makabagong teknik, natitiyak na magiging mas mataas ang ani, mas ligtas mula sa peste at sakit ang mga tanim, at mas magiging matatag ang kabuhayan ng ating mga kababayan.
Ang hakbang na ito ay patunay ng patuloy na malasakit at pakikiisa ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pamumuno ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa ating mga magsasaka, na sila ay hindi nag-iisa sa kanilang pagsusumikap tungo sa masaganang ani at maunlad na pamumuhay. Sa Agoncillo, ang agrikultura ay hindi lamang pinagmumulan ng pagkain, ito rin ay haligi ng ating ekonomiya at simbolo ng kasipagan at pagtutulungan ng bawat Agoncillians!
Mabuhay ang Sektor ng Agrikultura!
0 Comments