PINTA NG PAG-ASA: LIBRENG ART WORKSHOP PARA SA MGA KABATAANG AGONCILLIAN, NAGSIMULA NA


Layunin ng proyektong ito na bigyang pagkakataon ang mga kabataang Agoncillian na matutong humubog ng ganda at kahulugan sa pamamagitan ng sining, sa pagguhit, pagpipinta, at pagkulay. Bukod sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman, pinahuhusay din nito ang kanilang kakayahan at kumpiyansa upang maging inspirasyon sa kanilang kapwa kabataan.
Ayon sa ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ang ganitong uri ng programa ay mahalagang hakbang upang buksan ang kamalayan ng kabataan sa kahalagahan ng paglinang at pagpapahalaga sa natatanging talento na taglay ng bawat isa. Naniniwala siyang ang kabataang may kaalaman at kasanayan sa sining ay magiging higit na handa sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating bayan.
Sa pamamagitan ng Pinta ng Pag-asa, naipapakita na sa simpleng pagsuporta sa interes at talento ng kabataan, maaari tayong maghasik ng pag-asa at inspirasyon; isang pamana na walang kupas at patuloy na magbubunga ng ganda at pagbabago para sa susunod na henerasyon.
Maraming Salamat sa aming mga kaibigan mula sa BAGSIK!
Isang pagsaludo po sa inyo!
0 Comments