LIBRENG EYE CHECK UP PARA SA MGA TAGA-AGONCILLO!
Gusto mo bang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng iyong mata?
Gusto mo bang malaman ang wastong grado ng salamin para sa iyong mga mata?
Oh gusto mo magpagawa ng salamin na angkop sa iyong mata?
Tinatamad na lumayo pa at magsadya sa mga clinic?
Huwag mag-alala dahil ang Eyezone Optical Centre, sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa ating Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ay maghahatid ng libreng eye check-up para sa lahat ng mamamayan ng ating bayan.

Bukas ito para sa LAHAT ng Agoncillians, bata, estudyante, senior citizen, manggagawa, at kahit sino pang nagnanais magpa-check up ng kanilang mata.

Gaganapin ito sa July 17, 2025 sa ating V. Maligalig Conference Room mula ika-8:00 ng umaga.
Bukod sa libreng Eye Check Up, narito pa ang ibang serbisyong kanilang ihahatid:

Libreng konsultasyon at pagsusuri sa mata

Eye screening para sa lahat ng edad

Pagpapayo tungkol sa tamang pag-aalaga ng paningin

Pag-gawa ng salamin sa mas murang halaga

Ang isang kumpletong salamin ay magsisimula sa halagang 999. 00 pesos only.

Ang mga branded frames ay mayroong 50% na Discount.

Iba pang serbisyong optikal na makatutulong sa inyong kalusugan sa mata.
0 Comments