TINGNAN | PAGBISITA NG MGA KINATAWAN NG OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE AT PHIVOLCS SA BAYAN NG AGONCILLO 🇵🇭✨






 TINGNAN | PAGBISITA NG MGA KINATAWAN NG OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE AT PHIVOLCS SA BAYAN NG AGONCILLO

🇵🇭✨
Isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapalakas ng ating mga pagsasanay at kaalaman tungkol sa kaligtasan at kalamidad. Sa pagkakataong ito, ang OCD CALABARZON Regional Director na si Sir Carlos Alvarez, kasama ang Resident Volcanologist ng PhiVolcs na si Mr. Paolo Reniva, ay bumisita sa bayan ng Agoncillo upang personal na suriin ang kasalukuyang kalagayan ng ating lugar, partikular na sa usapin ng mga panganib dulot ng mga natural na kalamidad.
Ang kanilang pagbisita ay isang patunay ng kanilang walang sawang suporta at dedikasyon sa pagtutok sa mga isyu ng kaligtasan ng ating mga komunidad. Nakita din nila ang mga pangangailangan pa ng ating Bayan kaya naman ang ating mga lokal na opisyal, kabilang ang ating masipag na Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, Municipal Administrator Dr. Noel Mendoza, at MDRRMO Head, Sir Junfrance De Villa ay masayang nagsagawa ng masinsinang talakayan upang mas mapabuti ang mga hakbang sa disaster preparedness at pagtugon sa mga pangangailangan ng ating komunidad.
Isa sa mga tinalakay nila ay ang impact ng Social Media at Komunikasyon kapag may kalamidad at matapat namang ibinahagi ng ating Pambayang Administrador na isa ito sa mga naging problema ng ating Bayan noong nanalasa ang Bagyong Kristine.
Patuloy ang ating pagtutulungan upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa sa ating bayan. Sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, makakaasa ang bawat Agoncillian na ang lokal na pamahalaan ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang mapaglingkuran ng maayos, tapat at mahusay ang bawat isa.

Post a Comment

0 Comments