TINGNAN | Araw ng pagtatapos at Pag aangat - Antas ng Alternative Learning System (ALS) Agoncillo Sub Office, isinagawa sa ating G. Brotonel Events Center.


Isang marubdob na pagpupugay sa inyong lahat na nagpakita ng matibay na determinasyon at matalinong desisyon na ipagpatuloy ang inyong pag-aaral sa kabila ng mga hamon ng buhay. Ang inyong pagtatapos ay hindi lamang simpleng pagtatapos ng isang yugto, kundi isang malinaw na patunay na sa tamang pagpili at pagsusumikap, posible nating makamit ang tagumpay, bahagi ito ng mensahe ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa kasalukuyang isinasagawang pagtatapos ng Alternative Learning System | Agoncillo Sub-Office na idinadaos sa ating G. Brotonel Events Center.
Ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, sa pangunguna ng butihing Punong Bayan, kasama ang ating minamahal na Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ay patuloy na magiging katuwang ng bawat Agoncillians sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Buong puso ang suporta ng LGU sa mga programang pang-edukasyon, tulad ng ALS, na nagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga nagnanais makapagtapos at makapag-ambag sa kaunlaran ng komunidad.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Cindy na ang mga nagsipagtapos ngayon ay hindi lamang mga tagumpay ng programa kundi mga magiging katuwang ng pamahalaan bilang mga disiplinado, edukado, at makabayang mamamayan ng ating bayan.
Samantala, ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Dan Dan Humarang ay siyang naatasan bilang Panauhing Tagapagsalita ng nasabing pagtatapos. Sa kanyang talumpati, nabanggit niya na "Kayo mga nagsipagtapos ang tunay na halimbawa ng matatag." Dagdag pa niya "ang tagumpay ay hindi nasusukat sa estado ng buhay, kundi sa tibay ng loob. May ilan na kailangang kumayod dahil magulang na ngunit pinili pa din ang makapagpatuloy ng pag-aaral, ang kwento ng pagtatapos na ito ay insipirasyon para sa bawat Agoncillian at Pilipinong nagangarap".
Aktibo ring nakiisa sa pagdiriwang ang ALS -EPS ng SDO Batangas Province, Ma'am Jesusa Perez kasama ang ating masipag na PSDS ng Agoncillo Sub-Office, Dr. Maria Melissa Ariola.
Hindi napigilan ni Ma'am Jesusa Perez na purihin ang Lokal na Pamahalaan sapagkat sa lahat ng kanyang mga dinaluhang pagtatapos, tanging Agoncillo lamang ang bayan na "Full-force" ang DepEd at ang Lokal na Pamahalaan, mula sa Mayor, Vice Mayor hanggang sa miyembro ng ating Sangguniang Bayan. Gayundin ay kumpleto rin ang mga Punong Guro ng bawat paaralan sa ating bayan. Isang indikasyon na ang paglilingkod ng Deped Agoncillo at ng Lokal na Pamahalaan ay tunay na mahusay.
Muli, Congratulations mga Kababayan. Tunay na sumakses kayo!
0 Comments