TINGNAN | MOA Signing sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo at ng mga kinatawan ng Gawad Kalinga Community Development Foundation.
Matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony sa Agoncillo Bayanihan GK Village (James Chan Village) ay ipinagpatuloy sa ating G. Brotonel Events Center ang MOA signing para sa itatayong Gawad Kalinga Village.
Naroroon din ang mga kababayan nating tatanggap ng tulong mula sa Gawad Kalinga at mga katuwang nitong ahensya. Nagbigay din ng pananalita ang mga panauhin natin na silang magbibigay katuparan sa pangarap ng mga kababayan nating hinagupit at nawalan ng tahanan dahil sa Bagyong Kristine.
Tunay na lahat ng tao sa loob ng ating bulwagan ay may ngiting nakapinta sa kanilang mga mukha. Sa kabila nito, naging emosyonal ang lahat sa mensahe ng ating Punong Bayan kung saan naaalala natin ang mga hamon na ating pinagdaanan. Mababanaag sa ating mga kababayan ang kanilang saya dahil unti-unti ng matutupad ang kanilang mga dasal.
Tunay na kay buti ng Panginoon sapagkat patuloy siyang nagpapadala ng mga instrumentong tutulong sa ating lahat.
Maraming Maraming Salamat po sa ating mga minamahal na kaibigan mula sa iba't ibang ahensya lalo't higit sa butihing Provincial Administrator Willie Racelis, Mr, Daniel Bercasio ng Gawad Kalinga Community Development Foundation, Mr. Ricky Carandang, Vice President and Head of External Affairs ng FPIP, Inc, kinatawan ng Aboitiz InfraCapital Lima Estate Mr. Chino Zamora, Vice Governor Mark Leviste, Dr. Amor Calayan PDRRMO Batangas Head at ang butihin at mapagbigay nating mga kaibigan, Mr. James Chan at ang kanyang may bahay.
0 Comments