TINGNAN | Groundbreaking at Capsule Laying Ceremony sa Agoncillo Bayanihan GK Village, isinagawa kaninang umaga.





 TINGNAN | Groundbreaking at Capsule Laying Ceremony sa Agoncillo Bayanihan GK Village, isinagawa kaninang umaga.

Napuno ng galak at pag-asa ang isinagawang Groundbreaking and Capsule Laying Ceremony ng ating itatayong Agoncillo Bayanihan Gawad Kalinga Village sa Brgy. Pamiga kaninang umaga.
Nasa nasabing pagdiriwang ang ating mga kaibigang naging tulay upang maisakatuparan ang pangarap na ito ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes. Isang pangarap para sa ating mga kababayan na naging biktima at nawalan ng tirahan matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Randy Sudario ng Our Lady of Miraculous Medal Parish ang pagbabasbas sa itatayong Agoncillo Bayanihan GK Village.
Matapos ang nasabing Groundbreaking, agad na nagtungo ang ating mga bisita at kinatawan ng Lokal na Pamahalaan sa ating G. Brotonel Events Center para sa pagpapatuloy ng programa.

Post a Comment

0 Comments