Makisaya, Makiisa at Malapit na!

 










Makisaya, Makiisa at Malapit na!

Mga minamahal naming mga kababayan, muli nating maririnig ang ingay ng kasayahan, ang simbolo ng pagkakaisa at pasasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap ng ating Bayan.
Ipinagmamalaking ipaalam sa inyo ng ating Lokal na Pamahalaan ang nalalapit na pagdiriwang ng ika-76 na taong pagkakatag ng minamahal nating bayan ng Magandang Agoncillo!
Tara, makisaya na!
Narito po ang iba't ibang schedule ng ating 76th Founding Anniversary na may temang "Resilience and Progress, Making a Difference".
Buong puso po kayong inaanyayahan ng ating minamahal na Punong Bayan,Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Daniel D. Reyes,mga kasapi ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Dr. Noel D. Mendoza at Ma'am Charlyn Dela Luna, ang ating Tourism Officer.
Ay ano pa gang hinihintay, may pagkakataon pa para kayo ay makauwi, makiisa at makisaya sa ating inaabangang pagdiriwang!
Kita-kits mga kababayan! 🙌🏻

Post a Comment

0 Comments