TINGNAN | Mga kababaihan ng ating Bayan, nagpakitang gilas sa pagdiriwang ng Provincial Women's Month.

 




TINGNAN | Mga kababaihan ng ating Bayan, nagpakitang gilas sa pagdiriwang ng Provincial Women's Month.

Aktibong nakiisa ang mga minamahal nating kababaihan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kanina sa selebrasyon ng Panlalawigang Samahan ng Kababaihan sa Dream Zone, Capitol Site, Batangas City,
Ang ating Mayora ang kasalukuyang Presidente ng PWCCBI o ang Provincial Women's Coordinating Council of Batangas Inc. Sa kanyang mensahe, tunay na tumatak sa mga nakilahok ang kanyang mga sinabing "Ang kababaihan ang bukal ng magagandang values sapagkat tayo ang nagtuturo sa ating mga anak ng kabutihang asal.
Kaya’t kailangan natin ng mas maraming babaeng leaders lalo sa gobyerno, upang tunay na aangat ang bukas sa bagong Pilipinas.”
Tunay na kahanga-hanga ang ipinakitang kahusayan ng ating mga kababaihan. Naiuwi natin ang "2nd Runner Up" sa patimpalak sa Zumba-OTS.

Post a Comment

0 Comments