DAPAT ALAM MO
Bilang pakikiisa ng Municipal Civil Registrar Agoncillo sa pangunguna ng ating butihing Mayor ATTY. CINDERELLA VALENTON-REYES ngayong 35th Civil Registration Month ay mag sasagawa po ng Mobile CRVS dito sa ating bayan sa darating na ika-27 ng Pebrero, 2025 araw ng Huwebes sa ganap na 8:00am-3:00PM.
Ang programa pong ito ay para sa mga nag nanais kumuha ng kanilang PSA Copy ng Birth, Marriage, Death Certificate at CENOMAR na hindi na kailangan pang pumunta sa Lipa Outlet. Ito po ay may kaukulang bayad na 155.00 para sa bawat request ng Birth, Marriage at Death Certificate at 255.00 para po sa CENOMAR. Ito po ay limitado lamang sa unang 100 na indibidwal na aplikante.
Sa mga kukuha po na hindi sila ang may-ari ng dukomento ay mangyari lamang po na magdala ng Special Power of Attorney/ Authorization Letter at Valid ID ng nagpapakuha at kukuha ng dokumento.
Sa may mga katanungan maaari po kayo mag mensahe sa FB Page ng Municipal Civil Registrar Agoncillo o mag tungo lamang po sa kanilang tanggapan sa J. Mendoza Sr. Municipal Building.

0 Comments