TINGNAN | Bayan ng Agoncillo, naging host ng CRVS Quiz Bee 2025.




 TINGNAN | Bayan ng Agoncillo, naging host ng CRVS Quiz Bee 2025.

Kanina ay isinagawa sa ating G. Brotonel Events Center ang CRVS Quiz Bee 2025 bilang bahagi ng 35th Civil Registration Month na may temang "Bulding a Resilient, Agile, and Future -fit Civil Registration and Vital Statistics System".
Ang naturang Quiz Bee ay pinangunahan ng Chief Statistical Specialist ng Batangas Provincial Statistical Office na si Mr. Raul Maximo Tolentino katuwang ang iba't ibang pinuno ng mga tanggapan ng Local Civil Registrar sa mga bayan at lungsod sa buong batangas. Labintatlong (13) bayan at tatlong (3) lungsod ang naglaban laban sa CRVS Quiz Bee at pinalad na manalo ang Lungsod ng Sto. Tomas, Lungsod ng Batangas at Bayan ng Malvar.
Lubos na ikinatuwa ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ng ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes at ng ating MCRO Ma'am Karen Olvina ang pagdating ng ating mga minamahal sa bisita sa ating bayan.
Ang mga nagwagi naman ay muling lalahok sa CRVS Regional Elimination na magaganap sa February 11.

Post a Comment

0 Comments