TINGNAN | FESTIVAL OF TALENTS NG DEPED CD 3, GINANAP SA MAGANDANG AGONCILLO SUB-OFFICE.
Tampok sa mga ito ang Bayle sa Kalye, Dish Gardening, Pintahusay , Likhawitan, Sineliksik, Technolympics at marami pang iba na nagpapakita kahusayan ng mga mag-aaral na buhat pa sa iba't ibang paaralan na nasasakop ng Congressional District 3.
Lubos ang galak ng ating minamahal na Ina ng Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes sa pagbisita ng mga kaibigan natin mula sa mga bayan ng Agoncillo, Alitagtag, Balete, Cuenca, Laurel, Malvar, Mataasnakahoy, San Nicolas, Santa Teresita at Talisay.
Hangad namin ang inyong maayos, masaya at ligtas na pagtigil sa aming bayan. Palagi naming hihintayin ang inyong pagbabalik dine sa Magandang Agoncillo.
Sulong Ika-tatlong Distrito!
Ariba, Batangas!
Mabuhay ang Agoncillo!



0 Comments