Mga kinatawan ng DICT Region IV-A at Commission On Audit (COA) bumisita sa lokal na pamahalaan ng Agoncillo upang i-validate ang Integrated Business Permit and Licensing System.



 TINGNAN | Mga kinatawan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region IV-A at Commission On Audit (COA) bumisita sa lokal na pamahalaan ng Agoncillo upang i-validate ang Integrated Business Permit and Licensing System.

Nagtungo ang masisipag na kawani ng Commission on Audit sa pangunguna ng kanilang Audit Team Leader Ma'am Gloria M. Dimalibot, Ma'am Jessica Dimayuga at mga kawani ng DICT Region IV-A, Engr. John Patrick Atienza, Theodore Francisco, at Bryle Kevin Matanguihan sa ating Business One Stop Shop sa V. Maligalig Legislative Building upang i-validate ang ating IBPLS.
Nakadaupang palad naman nila ang BPLO Officer Ma'am Mercy Punzalan at ang ating masipag na Municipal Administrator Dr. Noel Mendoza at nagkaroon sila ng personal na kumustahan tungkol sa mga proseso ng pagkuha ng Business Permit.

Post a Comment

0 Comments