TINGNAN | Bayan ng Agoncillo, tumanggap ng Sertipiko ng Pagkilala para sa Seal of Good Local Governance.

 


TINGNAN | Bayan ng Agoncillo, tumanggap ng Sertipiko ng Pagkilala para sa Seal of Good Local Governance.

Isang marubdob na pagbati minamahal nating Bayan ng Agoncillo lalo't higit sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating masipag at butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at bawat kawani sa pagkilalang natanggap mula sa DILG.
Ang bayan ng Agoncillo ay nakapasa sa walong (8 out of 10) larangan ng mabuting pamamahala na nagpapatunay ng ating natatanging kahusayan at dedikasyon sa paglilingkod.
Isa sa panata ng Lideratong Atty. Cindy ang paglilingkod ng tapat at buong husay kaya naman patuloy ang pag-akay niya sa bawat lingkod bayan na gawin ang lahat ng trabaho ng may integridad at katapatan sa Diyos at sa Bayan.
Amin pong ipagpapatuloy ang ating natatanging Mantra, "Magandang Agoncillo, Magandang Serbisyo Publiko".
Ito po ay alay ng lokal na pamahalaan sa bawat isang Agoncillian!
Congratulations Agoncillo!✨

Post a Comment

0 Comments