VALID ID BA KAMO??







 VALID ID BA KAMO

❓
HINDI NA KAILANGANG PUMUNTA SA MALAYONG LUGAR PARA MAKAKUHA❗️
PHILPOST NA ANG PUPUNTA SA ATIN MGA KABABAYAN❗️
Ito na ang pagkakataon mo para makakuha ng Valid ID na magagamit mo sa iba't ibang mahahalagang transaksyon gaya ng pag-open ng account sa bangko, pagkuha ng passport, at iba pa❗️
Sa pakikipagtulungan ng ating Lokal na Pamahalaan sa pamunuan ng PhilPost, direkta ng magtutungo ang PREMIUM POSTAL ID (PID) Mobile Enrolment Services sa ating bayan!
KAILAN: February 8, 2025 | 8:00 AM-5:00 PM
SAAN: Plaza Elena Covered Court
ANO ANG MGA DAPAT DALAHIN:
1. Birth Certificate
2. Proof of Residence
3. Kung babae at may asawa, magdala rin ng Marriage Certificate.
MAGKANO: Ayon sa PhilPost, ₱550.00 ang presyo ng pagkuha ng ID na ito at tatagal ng tatlong taon, kalakip ng bayad ay ang delivery fee. OO❗️ TAMA❗️ I-dedeliver na lang sa iyong tahanan.
Ano pang hinihintay mo kabayan, samantalahin na ang ganitong pagkakataon. Magpalista na sa tanggapan ng ating Public Information Officer at hanapin si Sir Christian Dave Luya o magpadala ng mensahe sa facebook page na ito.

Post a Comment

0 Comments