ATING ACTING MUNICIPAL TREAURER MA’AM CRIZZANE KATIGBAK 🇵🇭✨

 2nd MOST PROMPT MUNICIPAL TREASURER AWARD SA BUONG LALAWIGAN, IGINAWAD SA





ATING ACTING MUNICIPAL TREAURER MA’AM CRIZZANE KATIGBAK

🇵🇭✨
Kahapon sa isinagawang Year-End Assessment ng City and Municipal Treasurer’s League of Batangas o CMTLB ay ginawaran at kinilala ang ating butihing Acting Municipal Treasurer, Ma’am Crizzane Katigbak bilang 2nd Most Prompt Municipal Treasurer sa buong lalawigan.
Pagbati ang nais ipaabot ng ating minamahal na Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, mga miyembro ng Sangguniang, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza at lahat ng mga kawani sa natatanging kahusayan ni Ms. Tin na nagpapatunay ng kanyang tapat at maaasahang paglilingkod.
Iginawad ang plake bilang pasasalamat at pagkilala sa pangako at pagpupursige sa pagsusumite ng mga reports tulad ng electronic Statement of Receipts & Expenditures (eSRE), mga Ulat sa pangongolekta ng Buwis sa Real Property (Form 60), at Ulat sa RACIMS.
Nawa'y ang pagkilalang ito ay maging isang puwersang nag-uudyok sa mga empleyado ng Municipal Treasurer's Office upang mapanatili ang kanilang kapansin-pansing pagganap at patuloy na magsikap tungo sa mabuting lokal na pamamahala sa pamamagitan ng mahusay at epektibo at magandang serbisyo publiko.
“Ito po ay collective effort ng bawat kawani ng aming tanggapan”- Ma’am Crizzane Katigbak.
Muli, Congratulations Ms. Tin! Muli mo na namang pinatunayan na ang paglilingkod ng tapat sa Diyos at sa Bayan ay isang susi tungo sa mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko”.

Post a Comment

0 Comments