eLGU Summit dinaluhan ng ating minamahal na Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang ating BPLO Mercy Punzalan.

 



eLGU Summit dinaluhan ng ating minamahal na Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang ating BPLO Mercy Punzalan.

Naganap ito kanina sa Solano Hotel, Lipa City para sa mga bayan sa Lalawigan ng Cavite at Batangas. Si Mayor Cindy ang nag-iisang alkalde sa Batangas na dumalo.
Naglalayon ito na palawigin pa ang integration ng mga systems para sa isang mas mabilis, mas angkop at mas convenient na paraan ng pakikipagtransaksyon sa gobyerno, lalo na sa local governments.
Kapag sa isang LGU ito ay fully adopted na, lahat halos ng requests, payment at issuance ng online copies ng dokumento sa LCR, sa Treasurer, sa Licensing, sa Permitting at iba pa ay maaari ng gawin online.
Ito ay naka link din sa eGov app kaya maaaring through phone ang pag-access sa mga online transactions. Ito ay bilang pagtugon sa batas ng Ease of Doing Business.
Makikita sa larawan na kasama nila si DICT Regional Director Felix Tabanao Jr.

Post a Comment

0 Comments