PAMASKO PARA SA MGA AGONCILLIANS!


Malapit ng dumating sa inyo ang mga inihandang pamasko mula sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang ating mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Adminstrador Dr. Noel Mendoza, mga Department Heads at lahat ng kawani.
Katulong ang mga kinatawan ng MSWDO,mga butihing CDW at volunteers, patuloy na ipinapake ang mga Pamaskong Handog para sa mga barangay na hindi pa nakakakuha. Higit sa labing apat na libong mga pamilya ang mabibigyan ng nasabing pamaskong handog.
Kahapon ay nabigyan na ang ipang barangay, hintayin lang po natin ang mga Christmas Eco-Bags ninyo, lahat po ay inaasahan na mabibigyan. Makiapag-ugnayan sa barangay at sama-sama nating damhin ang kapaskuhan!
Maraming Salamat po!
0 Comments