ZUMBAYANAN PARA SA KABABAIHAN:VAW Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras!
Ngayong umaga ay nakiisa ang ating lokal na pamahalaan sa pagsisimula ng 18 day Campaign to End Violence Against Women na may temang “VAW Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras” sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes katuwang ang MSWDO na pinamumunuan ni Ma’am Josalyn Cortez, lahat ng kawani at mga miyembro ng MWCC Agoncillo.
Bilang panimula, isinagawa ang ZUMBAYANAN PARA SA KABABAIHAN na pinangunahan ng mga miyembro ng Municipal Women’s Coordinating Council-Agoncillo, Agoncillo Zumba Body Toners, mga kinatawan ng PNP, at mga kawani ng ating lokal na pamahalaan.
Layunin ng programa na maitaguyod at mapangalagaan ang karapatan ng bawat isang kababaihan lalo’t higit sa mga Babaeng Agoncillian. Alam ng bawat isa sa atin ang kahalagahan ng bawat kababaihan sa ating komunidad at gayundin ay ang di matatawarang suporta ng ating lokal na pamahalaan sa kanila.
Mabuhay ang bawat Babaeng Agoncillian! 



0 Comments