TAPAT AT MAY PUSONG SERBISYO PUBLIKO: SUSI NG ISANG MATAGUMPAY NA PAMAMAHALA 🇵🇭✨





 TAPAT AT MAY PUSONG SERBISYO PUBLIKO: SUSI NG ISANG MATAGUMPAY NA PAMAMAHALA

🇵🇭✨
“Sa dinami-daming mga bayan sa ating bansa, mapalad po tayo dahil kayo ay isa sa mga National Winner” ito ang mga salitang nasambit ni G. Gilberto Tumama, Chief of Local Government Monitoring and Evaluation Division of DILG Region IV-A bago niya iabot ang parangal sa ating Sangguniang Bayan na pinamununuan ng ating butihin at masipag na pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ating Sangguniang Bayan Secretariat Ma’am Sheryn Colona-Velo kasama ang mga kawani ng kanyang tanggapan.
Tinanggap ng ating Sangguniang Bayan ang Award of Excellence mula sa Vice Mayor’s League of the Philippines CALABARZON , Philippine Councilors League CALABARZON at DILG CALABARZON bilang Regional Winner ng Local Legislative Award in the 4th to 6th Class Municipality.
Dagdag pa ni Mr. Tumama ang pagkilalang ito ay ibinibigay sa mga Sangguniang Bayan na nagpe-perform
over and beyond the expectation. Ang inyo pong Sangguniang Bayan ay napakagaling. Bukod sa magaling ay napaka-transparent ng inyong pamahalaan na lubhang mahalaga sa isang pamunuan.
Tunay na kahanga-hanga ang ipinapakitang kahusayan ng ating Sangguniang Bayan. Isa itong matibay na indikasyon na ang paglilingkod nila ng tapat, may puso at malasakit ay susi sa isang matagumpay na pamamahala.
Congratulations Sangguniang Bayan ng Agoncillo!

Post a Comment

0 Comments